10 million pesos na pondo, kaloob ng AMBaG sa Southern Philippines Medical Center upang makatulong sa paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa gitna ng kalamidad
- Diane Hora
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa kabila ng nararanasang lindol sa Davao Region, nananatiling matatag ang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG Program sa paghahatid ng kalinga at serbisyo.
Nitong October 16, pinangunahan ni Cabinet Secretary at AMBaG Program Manager Mohd Asnin Pendatun ang fund transfer na nagkakahalaga ng ₱10,000,000 sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Masayang tinanggap ni Medical Center Chief II Ricardo Audan, MD, FPAFP ang pondo na laan para patuloy na masuportahan ang mga pasyenteng mula sa Davao Region.
Mula nang magsimula ang programa noong 2020, umabot na sa 1,478 pasyente ang natulungan ng AMBaG.
Ang pondong ito ay nakalaan hindi lamang para sa mga indigents kundi maging sa mga biktima ng kalamidad tulad ng lindol, baha at iba pang sakuna, upang matiyak na patuloy silang makatatanggap ng tulong medikal sa pamamagitan ng mga partner hospitals ng AMBaG sa rehiyon.



Comments