top of page

10 Most Wanted Persons, arestado sa magkakahiwalay na operasyon; ₱113M halaga ang suspected shabu, nasamsam

  • Jan 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Sampung most wanted persons ang nasakote habang mahigit ₱113 milyong piso na halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.


Sa loob ng halos labing-isang oras na synchronized nationwide operations ng PNP, 10 most wanted persons ang nadakip sa iba't ibang bahagi ng bansa, kabilang ang mga suspek sa rape, statutory rape, murder, robbery with frustrated homicide, at iba pang mabibigat na krimen.


Kabilang sa mga naaresto ang Top 6, Top 7, Top 9, at Top 10 Regional Most Wanted Persons sa mga lalawigan ng Albay, Cebu, Pangasinan, Cavite, Camarines Norte, Davao del Sur, at South Cotabato.


Kasabay nito, pinaigting din ng PNP ang kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakasamsam ng ₱113.04 milyong piso na halaga ng droga sa buong bansa.


Sa Cordillera Administrative Region, nagsagawa ng marijuana eradication sa Benguet at Kalinga, kung saan mahigit 137,000 fully grown marijuana plants, na may halagang higit ₱27.5 milyon, ang natuklasan at winasak sa lugar.


Samantala, sa National Capital Region, isang High Value Individual ang naaresto sa Pasay City matapos makumpiska ang 12 kilo ng shabu na may tinatayang street value na ₱81.6 milyon.


Sa isinagawang high-impact drug operations sa Iloilo City at Lanao del Norte, naaresto ang mga high-value individuals at nasamsam ang malaking bulto ng shabu.


Bukod sa anti-drug at anti-crime efforts, isinagawa rin ang kampanya kontra smuggling.


Sa Bukidnon, nasabat sa isang checkpoint ang hinihinalang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng ₱3.48 milyon, at dalawang indibidwal ang inaresto.


Ang mga nakumpiskang produkto ay itinurn-over na sa Bureau of Customs.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page