100 Days Accomplishment Report ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura, Alhaj, inilatag
- Diane Hora
- Oct 9
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtipon sa Municipal GAD Building, Sultan Mastura Municipal Compound, araw ng Miyerkules, ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura, iba’t-ibang municipal line agencies, mga stakeholders at bisita upang tunghayan ang first 100 days accomplishment report ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura.
Sa ulat ng alkalde, binigyang-diin nito ang kanyang paninindigan sa tapat at makataong pamamahala at ang pagsusumikap na maisulong ang pagkakaisa at kaunlaran sa bayan.
Inilatag din nito ang ilan sa mga programang inilunsad tulad ng Agri-Industrial Modernization Program, Expanded B.I.S.I.T.A sa Barangay Program, kung saan nabigyang pansin ang lahat ng barangay sa bayan, Clean and Green Sultan Mastura Program, Coastal Development PrograM, Drug-Free Municipality Initiative, Education and Youth Empowerment Program, Health for All Development Program, Infrastructure Development Program, Livelihood Program para sa mga Kababaihan, Pagkumpleto ng Municipal Gymnasium, Pagpapaunlad ng Public Park para sa mga bata at senior citizens, Peace and Order Strengthening Program, Pagtatatag ng Pasalubong Center at Social Protection and Welfare Program.
Positibo naman ang naging reaksyon ng mga residente sa mga programa ng LGU.
Sa pamumuno ni Mayor Mastura, patuloy ang pagtutok sa mga proyektong mag-aangat sa antas ng kabuhayan at kalidad ng buhay ng bawat taga-Sultan Mastura.



Comments