100 indibidwal, benepisyaryo sa ikalawang yugto ng free driver’s license program ni BTA Deputy Speaker Ishak Mastura
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Isang konkretong tulong sa pagbubukas ng taong 2026 ang hatid ng ikalawang yugto ng Free Driver’s License Program ng tanggapan ni Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura.
Matagumpay itong isinagawa mula Enero 16 hanggang 20, 2026.
Layunin ng programa na tulungan ang mga kababayan na magkaroon ng legal na lisensya sa pagmamaneho, bilang daan sa mas ligtas na kalsada at mas maraming oportunidad sa kabuhayan.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ang orientation, medical examination, at completion ng theoretical driving course para sa mga first-time applicants mula sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, at Cotabato City.
Isinakatuparan ang programa sa pakikipagtulungan ng Bangsamoro Land Transportation Office sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communications, na may layuning isulong ang ligtas, legal, at responsableng pagmamaneho sa Bangsamoro.
Ipinahayag naman ng mga benepisyaryo ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa programang nagbigay sa kanila ng pagkakataong magkaroon ng lisensya nang walang bayad—isang hakbang na anila’y malaking tulong sa kanilang araw-araw na pamumuhay.



Comments