top of page

100 units core shelter na may solar-powered lights, ipinamahagi ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Project ng Office of the Chief Minister sa mga residente ng Barangay Tamontaka Mother, Cotabato C

  • Diane Hora
  • Oct 17
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Isang daang core shelter na may kasamang solar-powered lights mula sa Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Project ng Office of the Chief Minister ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo ng programa sa Barangay Tamontaka Mother, Cotabato City.


Pinangunahan ni BARMM Assistant Senior Minister at Project Manager ng Kapayapaan sa Pamayanan o KAPYANAN Project, Abdullah “Dong” Cusain ang partial turnover ceremony para sa 100 units ng core shelter na may kasamang solar-powered lights sa Barangay Tamontaka Mother, Cotabato City.


Ang proyektong ito ay kabilang sa flagship programs ng Office of the Chief Minister BARMM.


Ang mga benepisyaryo ay mga pamilyang dating nakatira sa likod ng People’s Palace sa Barangay Rosary Heights 10 na maituturing na informal settlers na inilipat upang mabigyan ng mas ligtas, maayos at permanenteng tahanan.


Nasa 100 household beneficiaries ang kabilang sa unang batch na tumanggap ng kanilang mga core shelter units.


Ipinaabot naman ni Asst. Senior Minister Cusain ang pagbati at mensahe ni Chief Minister Abdulraof Macacua kung saan binigyang-diin nito na ang mga bahay ay hindi lamang simpleng pabahay kundi simbolo ng pag-asa at mas ligtas na kinabukasan para sa bawat pamilyang Cotabateño.


Maaalala na noong Disyembre 2022 ay nagkaroon ng seremonya para sa turnover ng tseke bilang suporta sa pagpapatayo ng mga core shelter units.

Ngayon, unti-unti na itong naipamamahagi sa mga benepisyaryo.

Samantala, ipinahayag naman ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa pamahalaang Bangsamoro at sa lahat ng katuwang sa proyekto.

Ayon sa kanya, ang programang ito ay kaakibat ng kanyang adbokasiyang “Para sa Lahat, Aksyon ang Solusyon.”

Dagdag pa ng alkalde na ang mga bagong tahanang ito ay simula ng panibagong pag-asa para sa mga Cotabatenio.

Para sa mga benepisyaryo, ang paglilipat mula sa pagiging informal settlers tungo sa core shelters ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas matiwasay at ligtas na pamumuhay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page