top of page

101 indibidwal, naaresto ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa 83 magkakahiwalay na operasyon kung saan nakumpiska rin ang ₱6,807,140.80 halaga ng iligal na droga

  • Teddy Borja
  • Oct 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit anim na milyong piso na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng PNP PRO 11 at isang daan at isa ang naaresto sa walumpu’t tatlong magkakahiwalay na operasyon na inilunsad mula September 21 hanggang 27.


Sa loob lamang ng isang linggo, nagsagawa ang PRO 11 ng 83 operasyon kontra ipinagbabawal na gamot.


Umabot sa ₱6,807,140.80 ang halaga ng nakumpiskang droga habang 101 na suspek ang naaresto.


Epektibong naisakatuparan ang operasyon laban sa ilegal na sugal na nagresulta sa pagkaka aresto ng 29 indibidwal.


Sa bilang na ito, 18 katao ang nasampahan na ng kaso at nakumpiska ang ₱13,450.00 bet money.


Sa pagpapatupad ng Campaign Against Loose Firearms, nakarekober ang PRO 11 ng 35 baril.


9 dito ang nakumpiska mula sa operasyon, 1 na-recover, 21 isinuko, at 7 mula sa Oplan Katok.


Samantala, sa ilalim ng Manhunt Charlie Operations, naaresto ang 65 wanted persons, kabilang ang 25 high-value targets sa antas na regional, provincial, municipal, at city.


Sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa, 3,832 katao ang nahuli sa iba’t ibang paglabag gaya ng pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar, pagiging half-naked, curfew violations, health and safety protocol breaches, traffic violations, pamamato, at gang wars.


Kasabay nito, mahigpit ding ipinatupad ang “No Helmet, No Travel Policy”, kung saan 268 indibidwal ang nahuli at pinatawan ng parusa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page