₱102.5 MILYONG HALAGA NG COUNTERFEIT CANDER MEDICINE Nakumpiska ng awtoridad; 4 na indibidwal, Arestado sa entrapment operation ng Philippine National Police
- Apr 13
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Makati City —
₱102.5 milyong halaga ng Counterfeilt cancer medicine ang nakumpiska ng awtoridad, habang apat na indibidwal ang arestado sa entrapment operation ng Philippine National Police. Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng CIDG Anti-Financial Crime and Cybercrime Unit, katuwang ang Southern Police District sa loob ng isang hotel sa Makati City noong April 10, 2026
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 400 piraso ng umano’y pekeng cancer medication na may label na Keytruda 100mg/4ml.
Ayon sa awtoridad, lumabag ang mga suspek sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na kalakalan, alinsunod sa layunin ng administrasyon ni Ferdinand R. Marcos Jr. na maprotektahan ang kapakanan at kalusugan ng publiko.



Comments