top of page

102nd Base Command ng BIAF-MILF mula sa Lanao del Sur, naghayag ng suporta at nanumpa ng katapatan sa liderato ng MILF sa ilalim ng pamumuno ni MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim

  • Diane Hora
  • Sep 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa kasagsagan ng peace rally, naghayag naman ng buong suporta at nanumpa ng katapatan kay MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim ang 102 Base Command ng BIAF-MILF mula sa Lanao del Sur.


Mainit na tinanggap ni Chairman Murad ang grupo, araw ng Sabado, September 6, sa Camp Darapanan, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte. Ito ang ibinahaging impormasyon ng MILFchairmanOfficial Page.


Itinuring ang pagtitipon bilang isang makapangyarihang patunay ng pagkakaisa ng mga pwersa ng BIAF sa ilalim ng pamumuno ng MILF, na nananatiling nakahandang ipagtanggol umano ang adhikain ng Bangsamoro habang isinusulong ang landas tungo sa kapayapaan, katarungan, at sariling pagpapasya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page