104.57 billion pesos, laan ng national government para BARMM sa 2026 National Expenditure Program (NEP)
- Diane Hora
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman at Education Minister Mohagher Iqbal ang 23rd Intergovernmental Relations Body (IGRB) meeting, araw ng Biyernes, September 5, 2025, sa Intramuros, Manila.
Muling tiniyak ni Secretary Mina ang pangako ng National Government na bigyang-prayoridad ang kapayapaan at kaunlaran ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa ilalim ng Agenda for Prosperity.
Binigyang-diin ng kalihim na nakalaan ang Php 104.57 bilyon para sa rehiyon batay sa Fiscal Year 2026 National Expenditure Program (NEP).
Tinalakay din sa IGRB meeting ang update hinggil sa pitong mekanismo ng IGRB na nagsisilbing batayan ng mga batas at polisiya na ipinapasa ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament.
Isa rin sa mga pangunahing agenda ang transisyon ng Lalawigan ng Sulu mula sa BARMM patungong Rehiyon IX.
Isa rin sa mahalagang kaganapan sa pulong ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng National Commission for Muslim Filipinos - Bureau of Pilgrimage and Endowment (NCMF-BPE) at Bangsamoro Pilgrimage Authority (BPA) hinggil sa administration at management ng Hajj Mission simula sa taong 2026.
Dumalo rin sa pulong si NCMF Chairman at Secretary Sheikh Sabuddin Abdurahim, BARMM Senior Minister Dr. Mohammad Yacob at iba pang opisyal mula sa National at Bangsamoro Government.



Comments