114th Base Commander at Member of Parliament Dan Asnawie, itinanggi ang alegasyon na nagbigay ng suporta ang M!LF-BIAF sa naganap na tensyon sa Tipo-Tipo, Basilan
- Diane Hora
- Oct 29
- 1 min read
iMINDSPH

Naglabas ng official statement ang MILF-BIAF 114th Base Command-Basilan kaugnay sa nangyaring tensyon sa Tipo-Tipo, Basilan.
Pinasinungalingan ni 114th Base Commander at Member of Parliament Dan Asnawi ang alegasyon na nagbigay ng suporta ang MILF-BIAF sa mga lawless elements sa nangyaring tensyon.
Katunayan, ayon sa kanyang pahayag, may presensiya aniya ng BIAF sa lugar para umano sa mahigpit na koordinasyon sa Joint Peace and Security Team JPST na naglalayon na i-pacify ang dalawang naglalabang grupo.
Sa kanila umanong assessment, nag-ugat ang gulo sa personal grudge na may kaugnayan sa pagkakapaslang sa Islamic Teacher at Barangay Kagawad ng Baguindan.
Nanatili aniyang committed ang MILF sa Basilan sa pagpreserba sa peace process at patuloy na itinataguyod ang prinsipyo ng Comprehensive Agreement of the Bangsamoro.
Naniniwala ang opisyal na mayroong mga sektor ang nagtatangka at nasa likod aniya ng scenario o i-misrepresent para i-implicate ang MILF organization.
Hinikayat nito ang lahat ng stakeholders na alamin muna ang katotohanan at sama-samang panatilihin ang kapayapaan, security at order sa Basilan.



Comments