₱115K halaga ng suspected shabu, nasamsam; Drug suspect, arestado sa Kidapawan City
- Teddy Borja
- 7 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang drug suspect matapos makumpiskahan ng mahigit ₱115,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang search warrant operation ng awtoridad sa Kidapawan City.
Kinilala ang naaresto sa alyas na “Jun”, residente ng Barangay Ilomavis, Kidapawan City.
Sa isinagawang search sa tirahan ng suspek, narekober ang walong heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 17 gramo at tinatayang halagang ₱115,600.00 batay sa National Standard Drug Price.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa pagsusuri ng Provincial Forensic Unit.
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan City Police Station para sa wastong dokumentasyon, disposisyon, at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165.



Comments