₱119-M SUSPECTED SHABU, NASABAT Sa Clark Freeport Zone matapos ang isinagawang interdiction operation ng awtoridad
iMINDSPH

Ang naturang parcel ay nagmula sa Las Vegas at patungo sana sa Makati City nang ito ay ma-intercept ng mga awtoridad.
Sa isinagawang X-ray scanning, napansin ang kahina-hinalang imahe sa loob ng shipment dahilan upang sumailalim ito sa mas masusing inspeksyon.
Isinailalim din ito sa K9 inspection ng PDEA kung saan nagbigay ng positibong indikasyon ang k-9 dog sa posibleng presensya ng ilegal na droga.
Sa isinagawang physical examination, natuklasan ang dalawang itim na resin blocks na naglalaman ng pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o shabu na nakatago sa loob ng crystal resin countertops.
Tinatayang may bigat na 17,500 gramo ang nakumpiskang droga na may street value na humigit-kumulang ₱119 milyon.
Isinagawa ang operasyon ng Bureau of Customs–Port of Clark, Philippine Drug Enforcement Agency, at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs matapos makatanggap ng derogatory information kaugnay sa isang kahina-hinalang shipment.
Naglabas naman ng Warrant of Seizure and Detention ang Bureau of Customs laban sa shipment sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga taong nasa likod ng nasabing shipment.



Comments