top of page

₱11M halaga ng ilegal na droga, nasamsam; 20 wanted persons, arestado sa iba’t ibang panig ng bansa

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Naaresto ang dalawampung wanted persons habang mahigit ₱11 Million halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police.


Matagumpay na naaresto ng kapulisan ang 20 wanted persons, kabilang ang isang national-level Most Wanted Person sa Lanao del Sur na wanted sa kasong murder, at 19 na regional-level fugitives na sangkot sa iba’t ibang mabibigat na krimen gaya ng murder, rape, statutory rape, at acts of lasciviousness.


Ilan sa mga high-profile arrests ay isinagawa sa Bataan, Masbate, Cavite, Rizal, South Cotabato, at Bulacan sa pamamagitan ng koordinadong operasyon ng mga lokal na police units at Provincial Mobile Force Company.


Kasabay nito, pinaigting din ng PNP ang kampanya kontra ilegal na droga. Sa Iloilo, nasamsam ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang mahigit ₱1.36 milyon mula sa isang high-value individual sa isang buy-bust operation.


Samantala, sa Benguet, nadiskubre at sinira ng mga awtoridad ang mahigit 23,000 marijuana plants at tinatayang 45,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, na may kabuuang standard drug price na lampas ₱10 milyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page