top of page

11th DSM Basketball Tournament, bubuksan sa Kudaraten Festival 2026; registration bukas na para sa mga barangay ng Sultan Kudarat

  • Jan 13
  • 1 min read

iMINDSPH



Gaganapin ang torneo mula Enero 26 hanggang 30, 2026 sa Sultan Kudarat Municipal Gymnasium, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 9th Kudaraten Festival, na layong palakasin ang diwa ng pagkakaisa, sportsmanship, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pamamagitan ng palakasan.


Ayon sa mga nag organisa, bukas na ang registration para sa mga interesadong koponan, na nililinaw na para lamang sa mga barangay teams ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ang maaaring sumali sa kompetisyon.


Para sa detalye at pagpaparehistro, maaaring makipag-ugnayan kay Dinmer Ian Ali, Sports Coordinator, sa 0992-251-6401.


Inaanyayahan ang publiko at mga manlalaro na makibahagi at suportahan ang palaro bilang bahagi ng selebrasyon ng kultura at pagkakaisa ng bayan. Magkita-kita tayo sa court — handa na ang Sultan Kudarat na salubungin ang mga kalahok!

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page