top of page

12 indibidwal na sangkot sa illegal online sale ng e-wallet accounts at ATM cards, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa bansa

  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang 12 online fraudsters sa isang nationwide cybercrime sweep na isinagawa ng Philippine National Police laban sa ilegal na bentahan ng e-wallet accounts at ATM cards.


Himas rehas ang 12 suspek na may edad 18 hanggang 41 sa magkakahiwalay na operasyon sa Laguna, Caloocan City, Cebu City, Cavite, Lucena City, Quezon City, Lipa City, Taguig City, Camarines Sur, Cubao, at Davao City mula January 6 hanggang 11, 2026.


Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Financial Account Scamming Act (RA 12010) kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175). Ang iba ay nahaharap din sa kasong paglabag sa SIM Registration Act (RA 11934) at Access Devices Regulation Act (RA 8484).


Kinilala ng awtoridad ang mga ito sa alyas na “Binoy”, “Jepoy”, “Poli”, “Itoy”, “Anton”, “Jamal”, “Dina”, “Freah”, “Rose”, “Babe”, “Reinier”, at “Robie” 18-anyos.


Ang PNP ay nananawagan sa publiko na maging mapagmatyag at agad i-report ang anumang kahina-hinalang online activity sa pinakamalapit na police station o sa PNP Anti-Cybercrime Units, o sa Unified 911.


Matapos ang mga operasyon, ang mga suspek ay dinala sa iba’t ibang himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page