top of page

12 matataas na kalibre ng armas, isinuko sa militar ng mga residente mula sa 9 na barangay ng Talitay, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Oct 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa gitna ng mahigpit na pagtutulungan ng Local Government Unit ng Talitay, 1st Mechanized Battalion ng 601st Infantry (Unifier) Brigade ng 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army, isinuko ng mga residente mula sa siyam na barangay ng bayan ang dalawang (2) sniper rifles na may dalawang magazine, isang (1) 7.62mm rifle, pitong (7) 40mm grenade launchers, isang (1) carbine cal .30, at isang (1) rifle cal .30.


Ipresinita ang mga ito ni Mayor Sidik Amiril at Vice Mayor Musa Amiril, kasama ang mga lider mula sa siyam (9) na barangay ng Talitay kay Brig. Gen. Edgar Catu, Brigade Commander ng 601st Infantry Brigade, araw ng Lunes, October 27.


Ayon kay Brigadier General Edgar Catu, ang tagumpay ng kampanya laban sa iligal na mga armas ay dahil aniya sa aktibong pakikiisa ng pamayanan at kasundaluhan na direktang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na lider sa iba’t ibang bayan ng probinsiya.


Naniniwala ang heneral na sa bawat baril na isinusuko ay katumbas ng pagsasalba sa buhay ng mga inosenteng sibilyan dito sa komunidad.


Samantala, pinuri naman ni Maj. Gen. Donald M. Gumiran, Commander ng Western Mindanao Command, 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, ang mga tropa ng 1st Mechanized Battalion, 601st Infantry Brigade at ang lokal na pamahalaan ng Talitay sa kanilang kooperasyon para sa tagumpay na maipatupad ang Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program sa kanilang lugar.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page