12 million pesos halaga ng suspected marijuana leaves at disposable vapes na naglalaman ng marijuana juice, napasakamay ng mga elemento ng Davao City Police Office
- Teddy Borja
- Sep 12
- 1 min read
iMINDSPH

12 million pesos na halaga ng suspected marijuana leaves at disposable vapes na naglalaman ng marijuana juice ang napasakamay ng awtoridad sa ikinasang simultaneous checkpoint operation. Arestado rin sa operasyon ang isang drug peddler.
Ikinasa ang operasyon, alas 11:05 ng umaga, araw ng Martes, September 9 sa Purok 26, Upper Malagamot, Barangay Panacan, Davao City.
Matapos maaresto ang drug peddler, nagresulta naman ito ng pagsuko ng kanyang kasintahan ng nasabing halaga ng iligal na droga.
Ang opersyon ay ikinasa ng mga elemento ng Police Station 4-Sasa, sa pamumuno ni PMaj Noel Macolbacol.



Comments