top of page

₱128k Suspected Smuggled Cigarettes nakumpiska sa Checkpoint Operation ng awtoridad sa Matanog, Maguindanao del Norte

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang magsasaka at nasasama ang mahigit ₱128K halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa isinagawang checkpoint operation ng pulisya.


Naharang ng awtoridad ang isang pulang kotse na walang plaka bandang 4:10 ng hapon, araw ng Martes sa PMFC checkpoint sa Barangay Bayanga Norte.


Minamaneho ito ng isang 51-anyos na lalaki, magsasaka, may asawa, at residente ng Lanao del Sur.


Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre sa loob ng sasakyan ang 150 reams ng CANNON Menthol cigarettes, na may tinatayang halagang ₱128,352.00 batay sa BIR revenue regulations, nasamsam naman ang isang pulang kotse na walang plaka.


Agad na minarkahan, inimbentaryo, at kinunan ng larawan ang mga nakumpiskang kontrabando sa koordinasyon ng Bureau of Customs – Sub-Port of Parang.


Dinala ang suspek sa Matanog Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page