top of page

353 indibidwal, arestado ng awtoridad; ₱13.2M halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Jan 5
  • 1 min read

iMINDSPH


₱13.2 milyong piso na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa loob ng isang linggong holiday operations, habang 353 indibidwal ang arestado.


Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng daan-daang indibidwal sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.


Sa kabuuang 216 anti-illegal drug operations, 237 drug personalities ang arestado at 1,953.69 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam na may tinatayang street value na ₱13,285,092.00.


Nagsagawa rin ang PRO 7 ng 54 manhunt operations na nagresulta sa pagkakadakip ng 51 wanted persons, kabilang ang 14 most wanted individuals, bilang bahagi ng pinaigting na pagpapatupad ng mga warrant of arrest sa rehiyon.


Sa kampanya naman laban sa loose firearms, umabot sa 57 operations ang ikinasa kung saan 25 indibidwal ang naaresto at 55 baril, 109 bala, at tatlong pampasabog ang nakumpiska o boluntaryong isinuko—isang malaking hakbang sa pagpapalakas ng seguridad ng publiko.


Samantala, sa operasyon kontra ilegal na sugal, 40 katao ang naaresto sa 25 operasyon, habang ₱6,280.00 na bet money at iba pang gambling paraphernalia ang nasamsam.


Binigyang-diin din ng PRO 7 ang kanilang panawagan sa publiko na patuloy na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Central Visayas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page