top of page

13 Regional Most Wanted, arestado ng PNP sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa

  • Teddy Borja
  • Oct 29
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Labing tatlong Regional Most Wanted ang napasakamay ng PNP sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang panig ng bansa, araw ng Lunes, October 27.


Kabilang sa mga naaresto ay mga akusado sa mga kasong statutory rape, paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act at Acts of Lasciviousness sa ilalim ng RA 7610. Ang mga operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng CIDG, mga Police Regional Office, at mga lokal na yunit ng pulisya.


Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño, malaking papel ang ginampanan ng tiwala at pakikipagtulungan ng mamamayan sa tagumpay ng mga operasyon.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units ang mga naarestong suspek para sa kaukulang proseso at pagsasauli ng warrant sa mga hukuman.


Ipinagtitibay ng PNP ang matatag nitong paninindigan sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tama, at Nararamdaman, habang patuloy na pinangangalagaan ang bawat pamilyang Pilipino at iginagalang ang batas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page