₱136,000 SUSPECTED SHABU Nakumpiska ng mga awtoridad sa Mother Barangay Bagua; Suspek, nakatakas
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City —
Nakumpiska ng pulisya ang ₱136,000 halaga ng hinihinalang shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Mother Barangay Bagua. Nakatakas naman ang suspek. Kinilala ang suspek sa alyas “Thats”, na nakatakas matapos makatunog sa presensya ng mga operatiba at tumakas patungo sa hindi matukoy na direksyon.
Sa operasyon, narekober ang sampung (10) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang timbang na humigit-kumulang 20 grams at halagang ₱136,000.
Nakuha rin sa lugar ang isang Android cellular phone, buy-bust money, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Ayon sa mga rekord, ang suspek ay dati nang naaresto kaugnay ng illegal drug activities at nakapag-avail ng plea bargaining agreement noong taong 2023.
Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad para sa agarang pagkakaaresto ng suspek na kasalukuyang pinaghahanap.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments