14 indibidwal, kabilang ang mga Most Wanted Persons, arestado ng mga elemento ng Sultan Kudarat Provincial Police Office sa ikinasang SACLEO
- Teddy Borja
- Sep 19
- 1 min read
iMINDSPH

Labing apat na indbidwal ang arestao sa ikinasang One Day Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO ng awtoridad.
Sa kampanya laban sa ilegal na droga, nasamsam ng mga elemento ng Sultan Kudarat PNP ang kabuuang 8.84 gramo ng shabu na may halagang ₱60,112.00, at nadakip ang tatlong drug personalities na kabilang sa listahan ng Street Level Individuals o SLIs.
Nakumpiska ng Palimbang MPS ang 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱34,000.00.
2.64 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱17,952.00 naman ang nasamsam ng President Quirino MPS; at 1.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱8,160.00 ang nasamsam ng Tacurong CPS, hiwalay pa sa mga naunang naaresto.
Samantala, sa kampanya laban sa loose firearms, nagsagawa ang SKPPO ng apat (4) na operasyon na nagresulta sa pagsuko, pagkakakumpiska, at pagdedeposito ng apat (4) na iba’t ibang uri ng loose firearms at pagkakaaresto ng isang (1) indibidwal sa lalawigan.
Sa kampanya laban sa mga wanted persons, nakapagsagawa ng sampung (10) operasyon ang SKPPO na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang (5) Regional Level Most Wanted Persons, apat (4) na Municipal Level MWPs, at isang (1) iba pang wanted person.



Comments