₱14-M Shabu, nasamsam; 4 suspek, timbog sa Iloilo drug operation; mahigit 2 kilo ng hinihinalang shabu, nakumpiska
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Apat na lalaki ang naaresto at mahigit ₱14 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya.
Sa operasyon, nakumpiska ang tinatayang 2,060 gramo ng hinihinalang shabu. Narekober din ang buy-bust money, isang .38 caliber revolver na may mga bala, at iba pang non-drug items.
Agad na inaresto ang apat na lalaking suspek matapos ang pre-arranged signal mula sa poseur buyer. Isinagawa ang marking at inventory ng ebidensya alinsunod sa umiiral na mga alituntunin.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Balasan Municipal Police Station ang mga suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naaresto, gayundin ang kaukulang kaso kaugnay ng illegal possession of firearms.



Comments