top of page

₱14-m Smuggled Cigarettes Nasabat ng PNP-Maritime Group sa seaborne patrol operation sa Zamboanga City

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasabat ng PNP-Maritime Group ang tinatayang ₱14-M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isinagawang operasyon.


Habang sakay ng R9-Tactical Watercraft Mercury-08, namataan ng mga operatiba ang isang motorized boat na may markang “YANA-1” na may sakay na tatlong indibidwal, araw ng Lunes, February 23.


Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ang 350 master cases o katumbas ng 17,500 reams ng iba’t ibang brand ng hinihinalang iligal na sigarilyo.


Kabilang sa mga nasamsam ang:

– 170 master cases ng King Perfect;

– 133 master cases ng GreenHill;

– 10 master cases ng New Orleans Light;

– 12 master cases ng Hero;

– 10 master cases ng San Milano King Size;

– 14 master cases ng Bronze Red; at

– 1 master case ng LG Ice Menthol.


Agad na inaresto ang tatlong suspek na kinilala sa alyas na “Ab”, “Aki”, at “Jul”, matapos mabigong magpakita ng kaukulang dokumento para sa legal na transportasyon ng kanilang kargamento.


Dinala ang mga suspek at ang nakumpiskang bangka sa Headquarters ng Regional Maritime Unit 9 sa Baliwasan Seaside para sa wastong disposisyon at dokumentasyon.


Inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek para sa paglabag sa Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page