15 taong alitan sa pagitan ng dalawang pamilya sa Pigcawayan, Cotabato, tuluyan nang tinuldokan sa tulong ni Parang Mayor Cahar Ibay
- Jan 16
- 1 min read
iMINDSPH

Tuluyan nang tinuldukan ang labing limang Rido sa pagitan ng dalawang pamilya sa bayan ng Pigcawayan. Ang pagkakasundo ay pinangunahan ni Parang Mayor Cahar Ibay.
Naging madamdamin ang pag aayos ng pamilya Guialani Manamba at pamilya ni Batil Manamba sa naganap na Rido Settlement sa bayan ng Parang, araw ng Miyerkules, a-14 ng Enero 2026.
Sa pangunguna ni Parang Municipal Mayor Cahar Ibay, naging matagumpay ang pagkakasundo ng magkakamag anak na mga residente ng Pigcawayan, North Cotabato. Mensahe ng alkalde na ayusin ang mga dapat ayusin at manaig ang pagmamahalan.



Comments