top of page

155 DAKILA PROGRAM BENEFICIARIES sa SGA, nakibahagi sa Solo Parent Week ng MSSD

  • Apr 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa temang “Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent,” ipinagdiriwang ng MSSD ang Dakila program para sa mga solo parent sa kanilang mga sakripisyo bilang pangunahing tagataguyod ng kanilang pamilya.


Isinagawa ito, araw ng Martes, April 14 sa Poblacion Pikit, Cotabato


Naging makabuluhan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng talakayan ukol sa Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parent Welfare Act of 2022, kabilang ang mahahalagang probisyon at mga benepisyong maaaring matanggap ng mga solo parent.


Sinundan ito ng isang emosyonal na sesyon mula kay Deputy Minister Nur-Ainee Tan Lim na may pamagat na “Strength, Struggle, and Sabr: The Journey of a Solo Parent.” Binigyang-diin niya na bagama’t ang landas ng isang solo parent ay kadalasang puno ng emosyonal, pinansyal, at pisikal na pagsubok, ito rin ay isang paglalakbay na sumasalamin sa pambihirang lakas, dignidad, at katatagan.


Bilang bahagi ng programa, tumanggap din ang mga partisipante ng grocery at hygiene kits mula sa MSSD.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page