₱15M FUND PARA SA BULUAN DISTRICT HOSPITAL Kaloob ng AMBaG: zero-balance medical assistance, umabot sa mahigit 18,000 ang benepisyaryo
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinalalakas pa ng BARMM government ang healthcare delivery sa Bangsamoro sa pamamagitan ng Ayudang Medical Mula sa Bangsamoro o AMBaG.
Isinagawa ng programa ang consultative meeting at fund transfer activity sa Buluan District Hospital na pinangunahan ni AMBaG Program Head Mohd Asnin Pendatun, kasama si Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan at ang AMBaG PMO team.
₱15,000,000 ang muling ipinagkaloob ng programa sa ospital, sa kabuuan, umaabot na sa ₱88 milyon ang suporta ng programa sa pagamutan.
Sa pinakahuling datos, umabot na sa 18,050 benepisyaryo ang natulungan ng programa, kung saan 17,997 pasyente (99%) ang nakatanggap ng zero balance medical assistance.
Pormal na tinanggap ang pondo ni Norizah Midtimbang, na kumatawan sa ospital.
Nagpasalamat naman si Maisarrah Lumawan-Asim, at binigyang-diin na ang tulong ng AMBaG ay hindi lamang para sa mga residente ng Buluan kundi umaabot din sa mga pasyente mula sa karatig-lugar tulad ng North Cotabato at Sultan Kudarat.
Nakaangkla sa prinsipyo ng moral governance at public service, patuloy ang AMBaG sa pagpapalawak ng access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Bangsamoro.



Comments