top of page

₱15M Pondo, ipinagkaloob ng AMBaG sa Wao District Hospital, LDS

  • Diane Hora
  • Oct 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Ayudang Medikal Mula sa Bangsamoro Government o AMBaG na maihatid ang kalinga at serbisyo sa bawat Bangsamoro, muling nagbigay ng ₱15 milyong pondo ang programa para sa Wao District Hospital sa Lanao del Sur.

Ang nasabing pondo ay nakalaan upang tulungan ang mga pasyenteng walang kakayahang magbayad ng hospital bill.

Patuloy ring katuwang ng AMBaG Program ang iba’t ibang partner hospitals sa buong rehiyon sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyong medikal, bilang patunay ng tunay na layunin nitong maglingkod nang may puso at malasakit.

Ang AmBAG ay kabilang sa flagship programs ng Office of the Chief Minister.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page