iMINDSPH
Labing anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang sumuko sa militar kasama ang kanilang pinakamataas na lider. Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas.
Nagbalik loob sa gobyerno ang labing anim na miyembro ng BIFF, a-26 ng Setyembre sa 33rd Infantry Battalion sa Barangay Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur.
Sa report ng 6th ID, sinabi ni Lt. Col. Udgie C. Villan, ang pinuno ng 33IB, ang matagumpay na negosasyon at tiwala sa mga kasundaluhan at mga lokal na opisyal ng pamahalaan ang nag-udyok sa lider ng 2nd Division ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan Faction) na magbalik-loob sa gobyerno.
Kasama ng kanilang pagbalik-loob ang pagbaba ng kanilang mga kagamitang pandigma na kinabibilangan ng dalawang 60mm Mortar, dalawang 40mm RPG, dalawang Grenade Launcher (40mm M203), isang Cal .30 Sniper Rifle, dalawang Cal .30 Garand Rifle, isang M16A1 Rifle, apat na Sub Machine Gun (9mm Uzi), isang Cal .30 Carbine Rifle at mga pampasabog.
Ang mga dating BIFF combatants ay iprinesinta kay Col. Ricky Bunayog, ang Deputy Brigade Commander ng 601st Brigade, kasama sina Ms. Sittie Janine Gamao, Peace Program Officer V ng MPOS BARMM; Jofre Guerero, Gen Service Officer na syang kinatawan ng mayor ng Shariff Saydona Mustapha; Rogelio Gornez, Executive Secretary to the Mayor ng Mamasapano; at Engr. Tungko Tadtagan, Executive Consultant to the Mayor ng Radjah Buayan.
Sinabi naman ni 6th ID at Joint Task Force Central Commander, Maj. Gen. Antonio Nafarrete, ang tagumpay na ito sa masigasig na pagtulungan ng mga kasundaluhan, local government units, at iba pang stakeholders.
Opmerkingen