top of page

16 dating mga rebelde, sumuko kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr

  • Teddy Borja
  • Oct 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Humarap ang labing anim na mga rebelde kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. araw ng Lunes, October 27.


Pito sa mga sumuko ang tinukoy na dating violent extremists na pumasa na sa Joint AFP-PNP Intelligence Committee (JAPIC) validation process.


Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas.


Ayon sa gobernador, makatatanggap ang mga ito ng skills training, livelihood assistance, housing programs, at iba pang interventions mula sa provincial government.


Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ng national government, makatatanggap rin ang mga sumuko ng initial financial assistance at reintegration support.


Simula nang maupo sa pwesto ang gobernador, umabot na sa 573 na mga rebelde ang nagbalik loob sa pamahalaan at sumuko sa opisyal.


Pinasalamatan naman ni Governor Tamayo ang 38th Infantry Battalion (38IB) at iba pang law enforcement units sa patuloy na pagsusumikap ng mga ito na hikayatin ang mga rebelde na magbalik loob na sa pamahalaan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page