16 Loose Firearms isinuko ng 16 kapitan mula sa 16 barangay ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte Provincial Police Office
- Feb 25
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na isinagawa ng Philippine National Police – Maguindanao del Norte Police Provincial Office (PPO) ang Ceremonial Turnover ng 16 surrendered loose firearms noong alas-10:00 ng umaga, Pebrero 24, 2026, sa Municipal Gymnasium ng Datu Odin Sinsuat.
Ang aktibidad ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa loose firearms at patuloy na pagsusulong ng public safety at community partnership sa lalawigan.
Kabilang sa mga barangay kung saan nagmula ang mga loose firearms ay Baka, Taviran, Bdak, Linek, Mompong, Sapalan, Niketan, Labungan, Tinongos, Tambak, Dulangan, Kusiung, Kakar at Benolen.
Dumalo sa seremonya si PCOL George Bagundol Jr., Acting Provincial Director ng Maguindanao del Norte PPO. Pinangunahan naman ang programa ni PMAJ Katherine Paydoen, Officer-in-Charge ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, kasama sina Mayor Abdulmain “Baba” Abas, Vice Mayor Bobsteel Sinsuat, at mga Barangay Captain ng munisipalidad.
Ayon sa mga opisyal, ang turnover ng mga boluntaryong isinukong baril ay sumisimbolo sa lumalakas na tiwala at kooperasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad sa pagtataguyod ng voluntary compliance at responsableng pagmamay-ari ng armas.
Binigyang-diin ni PCOL Bagundol na ang hakbang na ito ay patunay ng aktibong pakikiisa ng mamamayan sa kampanya kontra ilegal na armas. Tiniyak din niya na magpapatuloy ang pinaigting na operasyon laban sa loose firearms upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong Maguindanao del Norte.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtibay ng Maguindanao del Norte PPO ang kanilang commitment sa localized peacebuilding efforts at sa pagtataguyod ng mas ligtas at maayos na komunidad para sa lahat.



Comments