top of page

160 PNP personnel mula sa PNP PRO 12, idineploy na sa BARMM para sa idadaos na Paliamentary Elections sa rehiyon ngayong October 13

  • Diane Hora
  • Sep 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal na isinagawa, araw ng Lunes ang send-off ceremony ng PRO 12 contingent na tutulong sa pagpapatupad ng seguridad para sa 2025 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.


Pinangunahan ito ni PNP PRO 12 Regional Director PBGen Arnold Ardiente.


Isang daan at animnapung PNP personnel mula sa iba’t ibang provincial police office at city police office ang idineploy sa mga bayan ng Buluan, Pandag, Datu Paglas, Paglat at Mangudadatu, Maguindanao del Sur.


Binigyan din ang contingent ng hygiene kits bago ang pagbibigay ng basbas sa mga ito sa ginanap na seremonya.


Binigyang diin ni PBGen Ardiente ang kahalagahan ng papel ng pulis sa pangangal sa demokrasya. Pinaalalahanan nito ang contingent na maging vigilant, apolitical, igalang ang human rights at panatilihin ang maximum tolerance habang ginagampanan ang tungkulin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page