₱170 THOUSAND NA SUSPECTED SHABU, NASAMSAM sa anti-illegal drug operation sa Cotabato City, Mga Suspek Arestado
- Apr 13
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City—
₱170 thousand na halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasamsam ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation Kinilala ang mga naarestong suspek sa kanilang mga alyas na “Nhots”, 56 anyos; “Jack”, 49 anyos; at “Toten”, 45 anyos, na pawang itinuturing na high-value targets ng mga awtoridad.
Isinagawang ang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police sa Barangay Poblacion 1, Cotabato City, madaling araw ng Abril 12, 2026. Sinira rin ang drug den sa lugar.
Sa operasyon, nakumpiska ang humigit-kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu.
Narekober din sa lugar ang iba’t ibang drug paraphernalia, buy-bust money, isang cellphone, at identification card.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng PDEA BARMM ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments