top of page

₱170K halaga ng suspected shabu at drug paraphernalia, nasamsam; 2 drug suspects, arestado sa Tacurong City

  • Teddy Borja
  • 7 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Tiklo ang dalawang drug suspects matapos makumpiskahan ng mahigit ₱170,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Tacurong City.

Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na “Rani” at “Asma”.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 25.11 gramo at tinatayang halagang ₱170,748.00 batay sa National Standard Drug Price. Narekober din ang isang improvised tooter at ang marked ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.


Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad na dinala sa Tacurong City Police Station para sa wastong dokumentasyon, disposisyon, at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page