₱176k Shabu At ₱770k Smuggled Cigarettes nasamsam sa Anti-Illegal Drugs Operation ng awtoridad sa General Santos City
- Feb 25
- 1 min read
iMINDSPH

Halos isang milyong halaga ng suspected shabu at smuggled cigarettes ang nasamsam sa isinagawang anti-illegal drug operation ng awtoridad
Kinilala ang naarestong suspek sa buy-bust operation sa alyas na “Roro”, 56-anyos, na tinukoy na High-Value Individual, at residente ng Barangay Bula.
Inaresto ito, 10:55 ng umaga, February 24, 2026.
Nasamsam mula sa kanya ang tinatayang 26 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱176,800. Narekober din ang buy-bust money na ₱1,000, isang sling bag, android phone, at iba pang personal na gamit.
Dinala ang mga nakumpiskang droga sa forensic unit para sa laboratory examination.
Sa isinagawang follow-up operation sa isang apartment sa Barangay Lagao, nadiskubre naman ang mga kahon at sako ng hinihinalang smuggled na sigarilyo.
– 12 kahon ng Fort cigarettes;
– 4 sako ng King Perfect cigarettes;
– 1 kahon ng Greenhills cigarettes;
– 1 malaking transparent pack ng King Perfect cigarettes; at
– 1 Toyota Vios na ginamit umano sa transportasyon.
Tinatayang nasa ₱770,040 ang kabuuang halaga ng mga ito
Nakipag-ugnayan ang pulisya sa Bureau of Customs para sa wastong imbentaryo at disposisyon ng mga nasamsam na kontrabando.



Comments