18-anyos na lalaki, huli sa ikinasang entrapment operation matapos umanong bantaan ang kanyang dating kasintahan na ipakakalat ang kanyang maseselang larawan at video
- Jan 9
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki na umano’y nagbanta na ipakakalat ang maseselang larawan at video ng kanyang ex na menor de edad.
Nadakip ng Davao City Cyber Response Team ang suspek na kinilalang si alyas “Raymark” sa ikinasang entrapment operation, a-4 ng Enero 2026, bandang alas-tres ng hapon sa Davao City.
Inirereklamo ang suspek ng kanyang 16-anyos na dating kasintahan matapos umano nitong gamitin ang mga lantad na larawan at video ng biktima upang ito’y takutin, gipitin, at i-harass sa online platforms.
Matapos ang isinagawang operasyon, agad na inaresto ng mga awtoridad ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Article 286 o Grave Coercion ng Revised Penal Code, Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, at Republic Act 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children, kaugnay ng Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.



Comments