top of page

18-anyos na lalaki na residente ng Talitay, Maguindanao del Norte, arestado ng otoridad sa Datu Odin Sinsuat dahil sa iligal na droga

  • Teddy Borja
  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH



Kulong ang 18-anyos na lalaki matapos arestuhin ng otoridad nang rumisponde ang otoridad sa isang tip hinggil sa umano’y drug transaction, ala 6:00 ng kagabi, April 6.


Inaresto ang suspek sa Sitio Lumpong, Población Dalican, Datu Odin Sinsuat.


Ayon sa report ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police, huli sa akto ang suspek na aktong tumanggap ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.


Ayon sa otoridad, may timbang ang suspected shabu na limang gramo at may estimated street value na 34,000 pesos.


Nakatakas naman ang kasama ng suspek.


Dinala na ito sa DOS MPS kasama nang nasamsam na ebidensiya para sa wastong dokumentasyon at legal disposition.

 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page