18 lokal na terorista, nagbalik loob sa gobyerno bitbit ang 20 matataas na kalibre ng armas
- Teddy Borja
- Sep 4
- 1 min read
iMINDSPH

Labing walong lokal na terorista ang nagbalik loob sa gobyerno. Isinuko rin ng mga ito ang dalawampung matataas na kalibre ng armas.
Isang .50 Caliber Rifle, isang M4 Rifle, isang M16A1 Rifle, tatlong M14 Rifles, isang M1 Garand, anim na Sniper Rifles (7.62mm), isang Carbine, isang Uzi, dalawang 60mm Mortars, at apat na Rocket-Propelled Grenades (RPGs) ang bitbit ng labing walong miyembro ng lokal na terorista na nagbalik loob sa gobyerno at nagtungo sa 92nd Infantry Battalion sa Brgy. Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Pinangunahan ni Lt. Col. Christian Cabading, Commanding Officer ng 92IB, ang presentasyon ng mga nagbalik-loob kay Brigadier General Vladimir R. Cagara, Commander ng 1st Brigade Combat Team o 1BCT.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng pamahalaan at mga peace stakeholders.
Ang 1BCT ay patuloy na nakahandang umalalay upang matiyak na ang kanilang pagbabalik-loob ay magiging simula ng bagong yugto para sa kanilang mga pamilya at komunidad ayon kay Brig. Gen. Cagara.
Samantala sinabi naman ni Major General Donald Gumiran, Commander, 6ID at JTF Central na malaking tagumpay sa pagpapanatili ng kapayapaan ang kusang pagbabalik-loob ng 18 miyembro ng lokal na teroristang grupo.



Comments