top of page

18 MINORS, NASAGIP NG PNP!Sa 18 Minors, nasagip ng PNP sa isinagawang anti-online child abuse operation nationwide mula February 18-19, 2026

  • Feb 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Labing walong menor de edad ang nailigtas ng Philippine National Police sa serye ng operasyon laban sa online child abuse at human trafficking mula Pebrero 18 hanggang 19, 2026.


Pinangunahan ng Women and Children Protection Center ang magkakahiwalay na operasyon laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children o OSAEC, Child Sexual Abuse and Exploitation Materials, at Trafficking in Persons.


Sa Abuyog, Leyte, naaresto ang isang Filipina suspect matapos magsilbi ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data ang mga operatiba. Nakumpiska ang ilang mobile phones, tablet, at iba pang digital evidence kung saan nadiskubre ang explicit video files na sangkot ang mga menor de edad. Pitong bata ang agad na nailigtas at inilagay sa protective custody ng social welfare authorities.


Sa Cagayan de Oro City, isang babaeng menor de edad ang nasagip sa operasyon kasunod ng referral mula sa Philippine Internet Crimes Against Children Center sa pakikipag-ugnayan sa international law enforcement partners. Dinala ang bata sa City Social Welfare and Development Office para sa agarang psychosocial intervention.


Samantala, sa Tanauan City, Batangas, sampung menor de edad ang nailigtas sa isinagawang anti-trafficking operation ng WCPC at lokal na pulisya katuwang ang City Social Welfare and Development Office.


Kasalukuyang nasa pangangalaga ng mga social welfare offices ang mga nasagip na bata habang nagpapatuloy ang case build-up laban sa mga suspek.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page