19-ANYOS ESTUDYANTE, NASAWI Matapos tamaan ng ligaw na bala sa Damatulan, Nabalawag, SGA, BARMM
- Mar 5
- 1 min read
iMINDSPH

Nasawi ang isang 19-anyos na estudyante matapos tamaan ng ligaw na bala sa Damatulan, Nabalawag, SGA, BARMM.
Ayon sa awtoridad, nagmula umano ang putok sa Barangay Kalipapa at Barangay Dado sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Nangyari ang insidente alas 2:50 kahapon ng hapon.
Ayon sa awtoridad, malapit na sa bahay ang biktima na nasa tabi ng ilog para kumuha ng mga gamit sa gitna ng tensyon na nangyayari sa lugar nang tamaan ito sa ibabang bahagi ng kanyang tainga na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.
Dagdag ng awtoridad, sinasabing may koneksyon sa naunang harassment incident ang nangyari na naitala alas 10:30 ng gabi, March 3 sa barangay Lumopog, Midsayap, Cotabato.



Comments