19-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Cotabato City; hinihinalang marijuana, nasamsam
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Isang 19-anyos na lalaki ang arestado matapos makumpiska ng awtoridad ng hinihinalang marijuana sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency
Naaresto ang suspek na kinilalang si alyas "Wahabin", 19 taong gulang, at residente ng Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City.
Nasamsam mula sa kanyang posesyon ang dalawang (2) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, na may tinatayang bigat na sampung (10) gramo at halagang humigit-kumulang ₱1,200, kasama ang buy-bust money at isang (1) mobile phone.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 15, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.



Comments