top of page

19-anyos na lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Cotabato City; hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH



Isang 19-anyos na lalaki ang naaresto matapos mahuli sa isang buy-bust operation kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Ang suspek ay kinilalang si alyas “Nash”, 19 taong gulang, may asawa, self-employed, at residente ng Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City.


Sa operasyon, nakuha mula sa suspek ang isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may timbang na 0.08 gramo, at tinatayang nagkakahalaga ng ₱544.00 ayon sa standard drug price.


Narekober din ang limang (5) pirasong ₱100 bill na ginamit bilang buy-bust money. Ang marking, inventory.


Agad na inaresto ang suspek. Kasalukuyang inihahanda ang kaso para sa paglabag sa RA 9165.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page