top of page

19 aplikante kabilang na ang TVET graduates, hired on the spot sa ginanap na 2025 World Café of Opportunities as Cotabato City

  • Diane Hora
  • 19 minutes ago
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Sa tulong ng Ministry of Labor and Employment (MOLE), matagumpay na isinagawa ang 2025 World Café of Opportunities (WCO) noong Biyernes, August 22, sa Cotabato City kung saan nagtipon ang Technical and Vocational Education and Training (TVET) graduates, mga naghahanap ng trabaho, industry partners, employers, at iba pang stakeholders.


Ang WCO ay pangunahing inisyatiba ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education–Technical Skills and Development (MBHTE-TESD) at TESDA’s Job Linkaging and Networking Services (JLNS), na nagsisilbing tulay sa pagitan ng kasanayan at oportunidad.


Naka-disenyo ito para sa mga TVET graduates at alumni na aktibong naghahanap ng trabaho o oportunidad sa pagnenegosyo. Layunin ng programa na paikliin ang job search period ng mga nagtapos, magbigay ng makabuluhang labor market information at post-training support, at suportahan ang mga serbisyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang katuwang na ahensya.


Sa kabuuan, 19 na aplikante ang agad na natanggap sa trabaho (hired on the spot), patunay sa direktang epekto ng programa sa pagkonekta ng mga skilled workers sa employment.


Sa kanyang welcome remarks, binigyang-diin ni Dr. Jonaib Usman, Director II for Special Concern, ang kahalagahan ng pagbibigay-lakas sa TVET graduates sa pamamagitan ng accessible opportunities na magbibigay-daan para makapag-ambag sila nang makabuluhan sa lipunan.


Nagpaabot din ng kanilang mensahe ng suporta sina Mobarak Pandi, Chief ng Information and Communications Division (ICD) ng MBHTE; Sarah Jane Sinsuat, Director ng MOLE–Bureau of Employment, Promotion, and Welfare (BEPW); at Marilou Antonio, Acting City Labor and Employment Officer.


Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, ayon sa MOLE, muling naipakita ang interagency partnerships na susi sa paglikha ng mas malawak na oportunidad para sa mga manggagawa ng rehiyon—lalo na sa pagpapakilos ng mga employer at pagbubukas ng pinto para sa disente at pangmatagalang hanapbuhay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page