194 pamilya sa Brgy. Badak, Datu Odin Sinsuat,tumanggap ng tulong. Mula sa provincial government ng Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa 194 na pamilya sa Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat ang nakatanggap ng relief assistance matapos magsagawa ng maayos at organisadong pamamahagi ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Norte, nitong Pebrero 2, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng kalamidad.
Isinagawa ang relief distribution ay isinagawa sa direktiba ni Governor Datu Tucao Mastura,sa pamamagitan ng PDRRMO Maguindanao del Norte na pinamumunuan ni Engr. Muslimin Paglala, Officer-in-Charge ng tanggapan.
Ayon sa mga opisyal, layon ng aktibidad na tiyakin ang gobyernong diretso serbisyo at natutugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang nangangailangan, kasabay ng pagpapanatili ng kaayusan, transparency, at dignidad sa pamamahagi ng tulong.
Naging mahalaga rin ang suporta at buong pakikipagtulungan ng pamahalaang barangay at munisipyo, kabilang ang Barangay Secretary ng Badak, ang MDRRMO Datu Odin Sinsuat, at si Bai Sophia Abas, na aktibong nakibahagi sa pagpapatupad ng relief operation.
Binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan na ang ganitong inisyatiba ay nakaugat sa prinsipyo ng moral governance, kung saan ang probinsya at munisipyo ay nagkakaisa upang maghatid ng serbisyong makatao at tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan na paigtingin ang pagtutulungan ng lahat ng antas ng pamahalaan upang mas mapalakas ang disaster response at maitaguyod ang layunin ng DTOM—Development, Transformation, and Opportunity for Maguindanao del Norte.



Comments