1ST JOINT GRADUATION EXERCISES sa Tandubas, Tawi-Tawi, pinangunahan ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni MBHTE Minister Mohagher Iqbal ang kauna-unahang Joint Graduation Exercises na ginanap nitong Abril 2 sa Tandubas Covered Court, kung saan 262 mag-aaral ang nagtapos ng elementarya para sa School Year 2025–2026.
Mula ang mga nagtapos sa Kepeng Elementary School, Panglima Biteng Central Elementary School, at Hadji Abbas Jawad Elementary School. Layunin ng pinagsamang seremonya na ipakita ang pagkakaisa at pagtutulungan ng sektor ng edukasyon sa bayan.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Iqbal ang mga nagtapos dahil sa kanilang tiyaga, katatagan, at dedikasyon sa pag-aaral sa kabila ng mga pagsubok.
Binigyang-diin din ni Iqbal ang patuloy na pangako ng MBHTE na palakasin ang sistema ng edukasyon sa rehiyon upang matiyak na may dekalidad na oportunidad ang bawat mag-aaral.



Comments