2,000 KAHON NG GATASHatid ng MSSD sa mahigit 500 daycare learners sa Kapai at Wao, Lanao del Sur
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH
Sa datos ng MSSD, umabot sa kabuuang 2,773 kahon ng gatas ang ipinamahagi sa ilalim ng Supplementary Feeding Program (SFP) sa mga bayan ng Kapai at Wao nitong Marso 23, 2026.
Tinatayang 572 daycare learners ang makikinabang sa nasabing pamamahagi. Sa bilang na ito, 388 bata ang mula sa 42 Child Development Centers (CDCs) sa Wao, habang 184 naman ang mula sa 20 CDCs sa Kapai.
Bago ang distribusyon, sumailalim muna sa masusing inspeksyon ang kalidad at kondisyon ng mga gatas. Nagsagawa rin ng orientation para sa mga Child Development Workers (CDWs) hinggil sa wastong paghawak, pag-iimbak, at pamamahagi ng mga ito upang masiguro ang maayos at epektibong implementasyon ng programa.
Ang SFP ay isang nationally-funded program na ipinatutupad ng MSSD, na naglalayong mapabuti ang nutrisyon ng mga batang Bangsamoro na nasa early learning institutions.



Comments