top of page

2,200 iskolar ng BSP-TVET, nagtapos na ng pagsasanay sa masonry, carpentry, electrical installation, bread at pastry production at tumanggap ng kanilang sertipiko

  • Diane Hora
  • Sep 2
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa tema na “Celebrating Success: Empowering Skills for a Brighter Bangsamoro Future”, layunin ng flagship program ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education–Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD) na palakasin ang kakayahan ng mga Bangsamoro sa pamamagitan ng kasanayan at pagsasanay.


Mahigit dalawang libo at dalawang daang scholars ang nagtapos sa Bangsamoro Scholarship Program for Technical-Vocational Education and Training o TVET 2025.


Dumalo sa seremonya sina MBHTE Minister Mohagher Iqbal, mga opisyal ng MBHTE-TESD, at si Labor Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema, na kinilala bilang isa sa mga katuwang ng programa sa pagpapatupad.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Minister Sema ang malaking ambag ng skills development hindi lamang sa kabuhayan ng bawat indibidwal kundi pati na rin sa pag-unlad ng buong lipunang Bangsamoro.


Kabilang sa mga natapos na kurso ng mga iskolar ang masonry, carpentry, electrical installation, bread and pastry production, at iba pang in-demand skills.


Bukod sa TESDA national certificates, nakatanggap din sila ng mga allowance bilang suporta sa kanilang pagtahak sa larangan ng employment at entrepreneurship.


Sa tulong ng mga katuwang na ahensya at stakeholder, handa na ang mga bagong sertipikadong graduates na gawing matibay na oportunidad ang kanilang mga kasanayan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page