2,420 IFTAR MEALS Ipinamahagi ng Project TABANG sa ilalim ng FAST program sa 22 masjid sa lalawigan ng Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Tawi-Tawi, Sulu, at Basilan
- Mar 2
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang isinagawang Ramadhan outreach ng Food Assistance for Special Traditions o FAST, ang sub-program ng Project TABANG.
May kabuuang 2,420 packed iftar meals ang ipinamahagi ng mga kawani ng programa sa 22 masjid lalawigan ng Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Tawi-Tawi, Sulu, at Basilan, araw ng Sabado, February 28.
Sa Maguindanao del Sur, 400 packed meals ang ipinamahagi sa dalawang masjid sa Datu Odin Sinsuat at Ampatuan. Sa Lanao del Sur, 600 packed meals ang naipagkaloob sa anim na masjid sa Lumbayanague, Masiu, at Butig. Samantala, 700 packed meals ang naihatid sa anim na masjid sa Pantar at Baloi, Lanao del Norte.
Sa Tawi-Tawi, 310 packed meals ang naipamahagi sa tatlong masjid sa Bongao sa tulong ng BPMA Bongao Port at ng PNP Provincial Headquarters. Sa Sulu naman, 110 packed meals ang naihatid sa dalawang masjid sa Patikul at Jolo. Sakop din ng programa ang tatlong masjid sa Sumisip at Isabela City sa Basilan.
Sa pamamagitan ng FAST, patuloy na naghahatid ng serbisyo ang tanggapan ni Abdulraof Macacua, sa ilalim ng Project TABANG. Sa pangunguna ng Project Manager na si Brahim Lacua, layunin ng inisyatiba na maabot ang mas maraming komunidad sa buong Bangsamoro Region sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan.
Ayon sa pamunuan, ang programa ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagiaan ng biyaya sa buong rehiyon.



Comments