2,483 master cases ng iligal na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱106,232,672, narekober sa Parang, Maguindanao del Norte
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit P106,232,672 na halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo ang narekober ng awtoridad
Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa umano’y imbakan ng puslit na sigarilyo sa isang bodega sa lugar, mula January 6 hanggang 7.
Bagamat walang nakitang kontrabando sa loob ng pasilidad, napansin ng mga operatiba ang hinukay na lupa sa paligid, na naging sanhi ng pagkakadiskubre ng mga sigarilyo na nakabaon sa lupa.
Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay agad na isinailalim sa wastong dokumentasyon at itinurn-over sa Bureau of Customs para sa pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention dahil sa paglabag sa Sections 117, 400, at 113 ng Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act.



Comments