top of page

₱2.5M HALAGA NG HINIHINALANG ILIGAL NA COPPER ORES, NASABAT sa isinagawang checkpoint operation ng awtoridad sa Iligan City

  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Iligan City —

Aabot sa ₱2.5M halaga ng illegal copper ores ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang checkpoint operation sa Barangay Dalipuga. Nasabat sa operasyon ang isang wing van truck na minamaneho ng alyas na “Ethan”, 25 taong gulang, residente ng Alubijid, Misamis Oriental.


Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ang humigit-kumulang 500 sako ng assorted copper-bearing mineral ores na pinaniniwalaang nagkakahalaga ng ₱2,500,000.


Ayon sa paunang imbestigasyon, nabigong magpakita ang driver ng kaukulang permit at transport documents para sa naturang kargamento, na umano’y nagmula sa Siayan, Zamboanga del Sur at patungo sana sa Tagoloan, Misamis Oriental.


Isinagawa ang beripikasyon sa presensya ng mga kinatawan mula sa Mines and Geosciences Bureau at isang barangay official upang matiyak ang legalidad ng operasyon.


Ang truck at mga nakumpiskang mineral ores ay isinailalim sa kustodiya at itinurn-over sa Mines and Geosciences Bureau Regional Office 10 para sa karagdagang pagsusuri at kaukulang disposisyon.


Samantala, nahaharap ang driver sa posibleng paglabag sa umiiral na environmental laws hinggil sa iligal na transportasyon ng likas na yaman.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page